(Story and photos by ABS-CBN Gensan and M.O.R Gensan's Alexander Rei "DJ Big Joe" Bao)



 



Bantog ang pinoy sa buong mundo sa pagiging matulungin at walang sino mang makakapares sa ating tradisyon, lalo na ang bayanihan. 



Pero nakakalungkot mang isipin at tanggapin ang katotohanan na habang umuunlad ang ating bansa, unti-unti ring nawawala at nakakalimutan ang mga tradisyong ito.  Ngunit, ako pa rin ay natutuwa dahil muli kong nakita ang bayanihan sa isang barangay sa isang barangay sa Sultan Kudarat. 



Itong album na ito ay alay ko sa mga bayani ng Barangay Tinumigues, Lambayong, Sultan Kudarat. 



Sa kabila ng kalamidad na kanilang kinakaharap, simula pa noong taong 2008, hanggang sa ngayon, ay naipapakita pa rin nila at naipadarama pa sa kanilang kapwa pinoy ang tradisyon ng bayanihan. 



Dahil sa kanilang kabayanihan, naitayo ng mga residente at guro ang mga pansamantalang silid-aralan para maipagpatuloy ng kabataan sa lugar ang pag-aaral habang lubog pa sa tubig baha ang kanilang orihinal na eskwelahan. 



Bumilib ako sa mga bata sa kanilang pagnanais na matuto at pumasok sa klase.  Ako rin ay bumilib sa determinasyon ng mga guro sa pagbabahagi nila ng kaalaman sa mga estu



dyante. 



Kaya sumasaludo ako sa mga taga Barangay Tinumigues at dahil sa inyo, taas noo kong maipagmamalaki na ako ay isang Pinoy.