Ang Pista ng Pintados, o tinatawag ding Pista ng Pintados-Kasadyaan, ay isang masayang pagdiriwang na tumatagal ng isang buwan, kung kailan din ginaganap ang "Leyte Kasadyaan Festival of Festivals", ang "Pintados Festival Ritual Dance Presentation" at ang "Pagrayhak Grand Parade". Ang mga pagdiriwang ito ay sinasabing nagmula sa Pista ni Señor Santo Niño tuwing ika-29 ng Hunyo. Ang mga taga-Leyte ay ipinagdiriwang ang nasabing pista sa isang bukod-tangi at makulay na pamamaraan. Bihasa ang mga Bisaya sa pagtatato, ang mga lalaki't babae ay mahilig magtato sa kanilang sarili. Ipinapakita ng Pista ng Pintados ang mayamang kultura ng Leyte at Samar, sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga katutubong sayaw at musika. Ang "Leyte Kasadyaan Festival of Festivals" naman ay nagpapakita ng bukod-tanging kultura at makulay na kasaysayan ng probinsiya ng Leyte. Sinimulan ni dating Gobernador Remedios Loreto-Petilla, ang pagdiriwang ay unang ginanap noong ika-12 ng Mayo, 1996. Ang mga pista ay hindi laging ginaganap tuwing ika-29 ng Hunyo dahil sa unang tatlong taon ay nangyari ito sa magkaka-ibang petsa. Noong 1999 lamang ito opisyal na itinakda sa araw ng Hunyo 29, ang Pista ni Señor Santo NIño de Leyte. Ang kahulugan ng "Kasadyaan" sa dayalektong Bisaya ay katuwaan at kasiyahan. Maraming pista ng munisipalidad ng Leyte ang nagsasama-sama sa kabisera, sa Lungsod ng Tacloban, upang makiisa sa selebrasyon. Masisiglang parada ng mga drama at sayaw ang nagaganap. Isang mahalagang papel ang ginagampanan ng mga pistang ito, iyon ay upang mas mahikayat ang bawat Leyteño na ipagmalaki at pahalagahan ang kanilang kultura. Bawat munisipalidad ay gumagawa ng kanilang istorya ibabahagi sa pista tungkol sa kanilang lokal na mga kuwento at alamat. NAME: CLARITA IRISH ORGANZA AGE: 24 ADDRESS: PUROK 6 CUBACUB MANDAUE CITY CEBU 60014 E-MAIL: irishgirl_n_phil@yahoo.com