HANOI, Vietnam - Hindi pa man tumatama ang mata, ramdam na ngayon pa lang ang hagupit ng bagyong Pedring sa Vietnam. Bagama't humina na at ibinaba na lang sa tropical storm si Pedring, binabayo pa rin ng hangin na umaabot sa 118 kilometro bawat oras ang bansa. Matinding ulan ang nararanasan sa northern at central Vietnam partikular sa kabisera nito na Hanoi. Itinaas na ng gobyerno ang flood warning sa mga mababang lugar at landslide warning naman sa mga bulubunduking bahagi ng mga apektadong lugar. Umaabot na rin sa 24,000 katao ang inilikas sa Vietnam bilang paghahanda sa pagtama ng bagyo.
- Typhoon Pedring Disasters in Vietnam
- published on 10/01/11 by patti






